Ezekiel 25:16-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabing, parurusahan ko ang mga Filisteo. Papatayin ko ang mga Kereteo pati ang mga nakatira sa tabing-dagat.

17. Sa aking galit, maghihiganti ako at parurusahan ko sila. At kapag nakapaghiganti na ako sa kanila, malalaman nilang ako ang Panginoon.”

Ezekiel 25