1. Sinabi ng Panginoon sa akin,
2. “Anak ng tao, sabihin mo ang talinghaga na ito sa mga mamamayan ng Israel.
3. Sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: May malaking agila na lumipad papuntang Lebanon. Malapad ang pakpak nito at malago ang balahibong sari-sari ang kulay. Dumapo siya sa tuktok ng punong sedro,
4. pinutol ang umuusbong na sanga at dinala sa lupain ng mga mangangalakal at doon itinanim.
5. Pagkatapos, kumuha naman ng binhi ang agila mula sa lupain ng Israel at itinanim sa matabang lupa sa tabi ng ilog at mabilis na tumubo.
6. Tumubo ito na isang mababang halaman na gumagapang. Ang mga sanga nitoʼy gumapang papunta sa agila at ang ugat ay lumalim. Nagsanga pa ito at marami pang umusbong.
22-23. Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Kukuha ako ng usbong sa itaas ng punong sedro at itatanim ko sa ibabaw ng pinakamataas na bundok ng Israel. Lalago ito, magbubunga at magiging magandang punong sedro. Pamumugaran ito ng lahat ng uri ng ibon at sisilong naman ang ibaʼt ibang hayop sa ilalim nito.