Ezekiel 16:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi sa akin ng Panginoon,

2. “Anak ng tao, ipaalam mo sa Jerusalem ang mga kasuklam-suklam niyang gawa.

3. Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito sa kanya: Isa kang Canaanita! Ang ama mo ay isang Amoreo at ang iyong ina ay isang Heteo.

4. Nang ipinanganak kaʼy walang nag-asikaso sa iyo. Walang pumutol ng pusod mo, nagpaligo o nagpahid ng asin sa katawan mo at wala ring nagbalot ng lampin sa iyo.

Ezekiel 16