Ezekiel 15:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi sa akin ng Panginoon,

2. “Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy?

3. Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan?

4. Hindi! Pwede lang itong panggatong; ganoon pa man madali itong matupok.

5. Kaya wala talaga itong kabuluhan, sunog man o hindi pa.

6. “Ngayon, ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi na ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng baging ng ubas na tumutubong kasama ng mga punongkahoy sa kagubatan. Dahil itoʼy walang kabuluhan, susunugin ko sila.

Ezekiel 15