Ezekiel 1:5-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Sa gitna ng ulap, may nakita akong apat na buhay na nilalang, parang mga tao,

9. Magkakadikit ang mga pakpak nila. Lumilipad sila nang sabay-sabay sa kahit saang direksyon nang hindi bumabaling.

10. Sa harap ay mukha silang tao, sa kanan ay mukhang leon, sa kaliwa ay mukhang toro at sa likod ay mukhang agila.

11. Ang dalawa sa mga pakpak nila ay nakabuka pataas at magkadikit ang mga dulo, at ang dalawa pa nilang pakpak ay tumatakip sa katawan nila.

12. Lumilipad sila nang sabay-sabay sa kahit saang direksyon nang hindi bumabaling. At kung saan sila dalhin ng Espiritu, doon sila pumupunta.

13. Parang nagniningas na baga o mga sulo ang itsura nila. Sa pagitan nilaʼy may apoy na nagliliwanag at mula rin ditoʼy may kidlat na lumalabas

14. Ang mga buhay na nilalang na itoʼy nagpaparooʼt parito na kasimbilis ng kidlat.

15. Habang nakatingin ako sa apat na buhay na nilalang, nakita kong ang bawat isa sa kanila ay may gulong sa ilalim. Ang apat na gulong ay nakasayad sa lupa.

16. Ganito ang anyo ng mga gulong: Kumikislap ang mga ito na parang mamahaling batongkrisolito at magkakapareho ang kanilang anyo. Ang bawat gulong ay may isa pang gulong sa loob na nakakrus.

17. Kaya nakakapunta ang mga gulong na ito at ang mga buhay na nilalang kahit saang direksyon nang hindi na kailangang bumaling pa.

18. Ang gilid ng mga gulong ay malapad at nakakatakot dahil puno ng mga mata.

Ezekiel 1