26. Ang Aaron at Moises na nabanggit sa listahang ito ay ang Aaron at Moises na inutusan ng Panginoon na manguna sa pagpapalaya ng bawat lahi ng Israel sa Egipto.
27. Sila ang nakipag-usap sa Faraon na hari ng Egipto na palayain ang mga Israelita sa Egipto.
28. Nang nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises sa Egipto,
29. sinabi niya kay Moises, “Ako ang Panginoon. Sabihin ninyo sa Faraon na hari ng Egipto ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”
30. Pero sinabi ni Moises sa Panginoon, “Hindi po ako magaling magsalita, kaya hindi makikinig ang Faraon sa akin.”