Exodus 6:17-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Ang mga anak na lalaki ni Gershon ay sina Libni at Shimei.

18. Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Nabuhay si Kohat ng 133 taon.

19. Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi. Ang mga angkan nila ay nagmula kay Levi ayon sa kasaysayan ng lahi niya.

20. Napangasawa ni Amram si Jochebed na kapatid ng kanyang ama. Ang kanilang mga anak na lalaki ay sina Aaron at Moises. Nabuhay si Amram ng 137 taon.

21. Ang mga anak na lalaki ni Izar ay sina Kora, Nefeg at Zicri.

22. Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay sina Mishael, Elzafan at Sitri.

Exodus 6