Exodus 39:8-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Gumawa rin sila ng bulsa na nasa dibdib at napakaganda ng pagkakagawa nito. Ang tela nitoʼy katulad din ng tela ng espesyal na damit: pinong telang linen na binurdahan gamit ang gintong sinulid, lanang kulay asul, ube at pula.

9. Ang bulsa na nasa dibdib ay nakatupi ng doble at parisukat – siyam na pulgada ang haba at siyam na pulgada rin ang lapad.

10. Inilagay nila rito ang apat na hanay ng mamahaling mga bato. Sa unang hanay nakalagay ang rubi, topaz, at beril;

11. sa ikalawang hanay, esmeralda, safiro at turkois;

12. sa ikatlong hanay, hasinto, agata at ametista;

13. at sa ikaapat na hanay, krisolito, onix at jasper. Inilagay nila ito sa balangkas na ginto.

Exodus 39