11. sa ikalawang hanay, esmeralda, safiro at turkois;
12. sa ikatlong hanay, hasinto, agata at ametista;
13. at sa ikaapat na hanay, krisolito, onix at jasper. Inilagay nila ito sa balangkas na ginto.
14. Ang bawat bato ay may pangalan ng isa sa mga anak ni Jacob bilang kinatawan sa 12 lahi ng Israel. Ang pagkakaukit ng pangalan ay gaya ng pagkakaukit sa pantatak.
15. Nilagyan nila ng mala-kwintas na tali na purong ginto ang bulsa na nasa dibdib.
16. Gumawa rin sila ng dalawang balangkas na ginto at dalawang parang singsing na ginto sa ibabaw ng mga sulok ng bulsa sa dibdib.
17. Isinuot nila ang dalawang mala-kwintas na taling ginto sa dalawang parang singsing sa bulsa na nasa dibdib,
18. at ang dalawang dulo naman ng mala-kwintas na tali ay isinuot sa dalawang balangkas na ginto na nakakabit sa tirante ng espesyal na damit.
19. Gumawa rin sila ng dalawa pang parang mga singsing na ginto at isinuot ito sa ilalim ng mga gilid ng bulsa na nasa dibdib na nakapatong sa espesyal na damit.