Exodus 37:2-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Binalutan ito ng purong ginto sa loob at labas, at nilagyan ng hinulmang ginto ang mga palibot nito.

3. Ginawaan din nila ito ng apat na argolyang ginto at ikinabit sa apat na paa nito.

4. Gumawa sila ng tukod na akasya na binalutan ng ginto.

5. Ikinabit nila ang mga argolya sa bawat gilid ng Kahon para mabuhat ang Kahon sa pamamagitan ng mga tukod.

6. Ginawaan din nila ang Kahon ng takip na purong ginto. May 45 pulgada ang haba at 27 pulgada ang lapad.

9. Nakalukob ang mga pakpak ng mga kerubin sa ibabaw ng takip para maliliman nila ito. Magkaharap ang dalawang kerubin at nakatingin sa takip.

10. Gumawa rin sila ng mesang akasya na 36 na pulgada ang haba, 18 pulgada ang lapad, at 27 pulgada ang taas.

11. Binalutan ito ng purong ginto at nilagyan ng hinulmang ginto ang palibot nito.

12. Nilagyan din nila ng sinepa ang bawat gilid. Mga apat na pulgada ang lapad at nilagyan din nila ng hinulmang ginto ang sinepa.

Exodus 37