12. Nilagyan din nila ng sinepa ang bawat gilid. Mga apat na pulgada ang lapad at nilagyan din nila ng hinulmang ginto ang sinepa.
13. Pagkatapos, gumawa sila ng apat na argolyang ginto, at ikinabit ito sa apat na paa ng mesa,
14. malapit sa sinepa. Dito nila isinuksok ang mga tukod na pambuhat sa mesa.
15. Gawa sa akasya ang mga tukod na ito at nababalot ng ginto.
16. Gumawa rin sila ng mga kagamitang purong ginto para sa mesa: pinggan, tasa, mangkok at banga na gagamitin para sa mga handog na inumin.
17. Gumawa rin sila ng lalagyan ng ilaw na purong ginto ang paa, katawan, at palamuting hugis bulaklak na ang ibaʼy buko pa lang at ang iba naman ay nakabuka na. Ang palamuti ay kasama nang ginawa nang gawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw.
18. Ang lalagyan ng ilaw ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid.
19. Ang bawat sanga ay may tatlong palamuting hugis bulaklak ng almendro, na ang iba ay buko pa at ang iba naman ay nakabuka na.