9. Ang bawat tela ay may haba na 42 talampakan at may lapad na anim na talampakan.
10. Pagtatahi-tahiin nila ito ng tiglilima.
11. Gumawa sila ng parang singsing na telang asul at inihanay sa bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela;
12. tig-50 ang ikinabit sa bawat dulo at magkaharap ito.
13. Gumawa rin sila ng 50 kawit na ginto para mapagsama ang mga parang singsing ng gilid ng pinagdugtong na mga tela. Sa pamamagitan nito, magagawa ang Toldang Sambahan.
14. Kaya gumawa silang talukbong ang Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito.