Exodus 36:15-28 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. May haba na 45 talampakan ang bawat tela at may anim na talampakan ang lapad.

16. Pinagdugtong-dugtong nila ang limang tela, at ganoon din ang ginawa nila sa natirang anim.

17. Nilagyan nila ng 50 parang singsing ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela,

18. at ikinabit nila ang 50 tansong kawit.

19. Ang ibabaw ng talukbong nito ay papatungan ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at papatungan din ng magandang klase ng balat.

20. Pagkatapos, gumawa sila ng balangkas ng Tolda. Ang ginamit nila ay tabla ng akasya.

21. Ang haba ng bawat tabla ay 15 talampakan at dalawang talampakan ang lapad.

22. Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa para maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla.

23. Ang 20 sa tablang ito ay ginamit nila na pangbalangkas sa timog na bahagi ng Tolda.

24. Ang mga tabla ay isinuksok nila sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.

25. Ang hilagang bahagi ng Tolda ay ginamitan din ng 20 tabla,

26. at isinuksok din sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon bawat tabla.

27. Ang kanlurang bahagi ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla,

28. at dalawang tabla sa mga gilid nito.

Exodus 36