Exodus 35:31-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

31. Pinuspos siya ng Espiritu ng Dios at binigyan ng kaalaman at kakayahan sa anumang gawain –

32. sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso;

33. sa paghuhugis ng mamahaling bato, sa paglililok ng kahoy, at lahat ng klase na gawang kamay.

34. Binigyan din siya ng Dios, at si Oholiab na anak ni Ahisamac na mula sa lahi ni Dan, ng kakayahang magturo sa iba ng mga nalalaman nila.

Exodus 35