1. Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2. “Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lahi ni Juda.
3. Pinuspos ko siya ng aking Espiritu para bigyan siya ng kapangyarihan na magkaroon ng karunungan at kakayahan sa anumang gawain:
4. sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso,
5. sa paghuhugis ng mamahaling mga bato, sa paglililok ng kahoy at lahat ng klase na gawang kamay.
16-17. Kaya kayong mga Israelita, dapat ninyong sundin magpakailanman ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ito ang walang hanggang tanda ng walang katapusang kasunduan natin. Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang mundo, at sa ikapitong araw ay nagpahinga ako.”