Exodus 27:4-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Magpagawa ka rin ng parilyang tanso para sa altar, at lagyan ito ng argolyang tanso sa bawat sulok.

5. Pagkatapos, ilagay mo ito sa ilalim ng altar, sa patungan nito sa bandang gitna ng altar.

6. Magpagawa ka rin ng tukod na pambuhat sa altar. Kailangang galing ito sa kahoy na akasya, at nababalutan ng tanso.

7. Ipasok ang tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar para mabuhat ang altar.

Exodus 27