6. Magpagawa ka ng 50 kawit na ginto para mapagkabit ang parang mga singsing na tela sa dalawang pinagsamang tela. Sa pamamagitan nito, magagawa ang Toldang Sambahan.
7. “Pagawan mo ng talukbong ang Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito.
8. Kailangang may haba na 45 talampakan ang bawat tela at anim na talampakan ang lapad.
9. Pagdugtong-dugtungin mo ang limang tela at ganoon din ang gawin sa natirang anim. Ang ikaanim naman ay tutupiin at ilalagay sa harap ng tolda.
10. Palagyan mo rin ito ng 50 parang singsing na tela ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela,
11. at ikabit dito ang 50 tansong kawit.
12. Ilaylay mo sa likod ng Tolda ang kalahati ng sobrang tela,
13. at ilaylay din sa bawat gilid ang isaʼt kalahating talampakan ng tela na sobra sa pangtalukbong ng Tolda.
14. Ang ibabaw ng talukbong ng Tolda ay papatungan ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at papatungan din ng magandang klase ng balat.
15. “Dapat ang balangkas ng Tolda ay tablang akasya.
16. Ang haba ng bawat tabla ay 15 talampakan at ang lapad ay dalawang talampakan.
17. Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa para maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla.