Exodus 26:20-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Ang hilagang bahagi ng Tolda ay gagamitan din ng 20 tabla,

21. at isinuksok din sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.

22. Ang bandang kanlurang bahagi naman ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla,

23. at dalawang tabla sa mga gilid nito.

24. Pagdugtungin ang mga tabla sa mga sulok mula sa ilalim hanggang sa itaas. Kailangang ganito rin ang gawin sa dalawang tabla sa mga gilid.

25. Kaya may walong tabla sa bahaging ito ng Tolda, at nakasuksok ito sa 16 na pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.

26. “Magpagawa ka rin ng mga akasyang biga – lima para sa bahaging hilaga ng Tolda,

27. lima rin sa bahaging timog, at lima pa rin sa bahaging kanluran sa likod ng Tolda.

28. Ang biga sa gitna ng balangkas ay manggagaling sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo.

29. Pabalutan ng ginto ang mga tabla at palagyan ng mga argolyang ginto na pagsusuotan ng mga biga, pabalutan din ng ginto ang mga biga.

30. “Kailangang ipatayo mo ang Toldang Sambahan ayon sa planong sinabi ko sa iyo rito sa bundok.

31. “Magpagawa ka rin ng kurtina na gawa sa pinong telang linen na may lanang kulay asul, ube at pula. At paburdahan mo ito ng kerubin.

Exodus 26