16. Ang haba ng bawat tabla ay 15 talampakan at ang lapad ay dalawang talampakan.
17. Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa para maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla.
18. Ang 20 sa mga tablang ito ay gagamitin sa pagtatayo ng Tolda sa timog na bahagi.
19. Ang mga tablang ito ay isinuksok sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.
20. Ang hilagang bahagi ng Tolda ay gagamitan din ng 20 tabla,
21. at isinuksok din sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.
22. Ang bandang kanlurang bahagi naman ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla,
23. at dalawang tabla sa mga gilid nito.