Exodus 26:15-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. “Dapat ang balangkas ng Tolda ay tablang akasya.

16. Ang haba ng bawat tabla ay 15 talampakan at ang lapad ay dalawang talampakan.

17. Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa para maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla.

18. Ang 20 sa mga tablang ito ay gagamitin sa pagtatayo ng Tolda sa timog na bahagi.

19. Ang mga tablang ito ay isinuksok sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.

Exodus 26