1. “Magpagawa ka ng Toldang Sambahan. Ito ang mga gagamitin sa paggawa nito: sampung piraso ng pinong telang linen na may lanang kulay asul, ube at pula. At paburdahan ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda.
2. Kailangang magkakasukat ang bawat tela na may habang 42 talampakan at may lapad na anim na talampakan.
3. Pagdugtong-dugtungin ninyo ito ng tiglilima.