Exodus 25:24-33 Ang Salita ng Dios (ASND)

24. Balutan mo ito ng purong ginto at lagyan ng hinulmang ginto ang mga paligid nito.

25. Palagyan nʼyo rin ito ng sinepa sa bawat gilid, apat na pulgada ang lapad, at palagyan ng hinulmang ginto ang sinepa.

26. Magpagawa ka rin ng apat na argolyang ginto at ikabit sa apat na sulok ng mesa,

27. malapit sa sinepa. Dito ninyo ipasok ang mga tukod na pambuhat sa mesa.

28. Dapat ay akasya ang tukod at nababalutan ng ginto.

29. “Magpagawa ka rin ng mga pinggan, tasa, banga at mga mangkok na gagamitin para sa handog na inumin. Kailangang purong ginto ang mga ito.

30. At kailangang palaging lagyan ng tinapay na inihahandog sa aking presensya ang mesang ito.

31. “Magpagawa ka rin ng lalagyan ng ilaw na purong ginto ang paa, katawan at mga palamuting hugis bulaklak, na ang ibaʼy buko pa lang at ang ibaʼy nakabuka na. Ang palamuting ito ay dapat kasama nang gagawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw.

32. Ang lalagyan ng ilaw ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid.

33. Ang bawat sanga ay may tatlong lalagyan na hugis bulaklak ng almendro.

Exodus 25