18. Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”
19. Tinabunan ng Panginoon ng tubig ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon matapos na makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.
20. Kumuha ng tamburin si Miriam na propeta at kapatid ni Aaron, at pinangunahan niya ang mga babae sa pagtugtog ng tamburin at pagsayaw.
21. Inawit ni Miriam ang awit na ito sa kanila:“Umawit kayo sa Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay.Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.”
22. At dinala ni Moises ang mga Israelita mula sa Dagat na Pula papunta sa ilang ng Shur. Sa loob ng tatlong araw, naglakbay sila sa ilang at wala silang nakitang tubig.
23. Nang makarating sila sa Mara, nakakita sila ng tubig, pero hindi nila ito mainom dahil mapait. (Ito ang dahilan kung bakit Mara ang pangalan ng lugar.)
24. Dahil dito, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises, “Ano ang iinumin natin?”