15. Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot,at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot.
16. “Tunay na matatakot sila.Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos,hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon.
17. Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain,at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo –ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon,ang templong kayo mismo ang gumawa.
18. Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”
19. Tinabunan ng Panginoon ng tubig ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon matapos na makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.
20. Kumuha ng tamburin si Miriam na propeta at kapatid ni Aaron, at pinangunahan niya ang mga babae sa pagtugtog ng tamburin at pagsayaw.