Exodus 13:18-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

18. Kaya pinaliko sila ng Dios sa disyerto papunta sa Dagat na Pula. Armado ang mga Israelita para sa labanan nang lisanin nila ang Egipto.

19. Dinala ni Moises ang mga buto ni Jose, ayon sa ipinanumpa noon ni Jose na gagawin ng mga Israelita. Sinabi noon ni Jose, “Siguradong palalayain kayo ng Dios. Kapag nangyari na iyon, dalhin ninyo ang mga buto ko sa pag-alis ninyo sa lugar na ito.”

20. Pag-alis nila sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, sa dulo ng disyerto.

21. Kapag araw, ginagabayan sila ng Panginoon sa pamamagitan ng makapal na ulap, at kapag gabi ay ginagabayan sila sa pamamagitan ng naglalagablab na haliging apoy na nagbibigay sa kanila ng liwanag, para makapaglakbay sila araw man o gabi.

Exodus 13