Ester 4:16-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. “Humayo ka, tipunin mo ang lahat ng Judio na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong mamatay.”

17. Kaya umalis si Mordecai at ginawa niya ang ipinapagawa ni Ester.

Ester 4