Efeso 3:10-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. para sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan.

11. Ito na ang plano niya sa simula pa lang, at natupad niya ito sa pamamagitan ni Cristo Jesus na Panginoon natin.

12. Sa pananampalataya natin kay Cristo Jesus at pakikipag-isa sa kanya, tayo ngayon ay malaya nang makakalapit sa Dios nang walang takot o pag-aalinlangan.

13. Kaya huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko, dahil para ito sa ikabubuti ninyo.

14. Tuwing naaalala ko ang plano ng Dios, lumuluhod ako sa pagsamba sa kanya.

15. Siya ang Ama ng mga nasa langit at nasa lupa na itinuturing niya na kanyang buong pamilya.

16. Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espiritwal nʼyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu

Efeso 3