3. Makinig kayo, O mamamayan ng Israel, at sundin ninyo ang kanyang mga utos para maging mabuti ang inyong kalagayan at upang lalo pa kayong dumami sa maganda at masaganang lupain, ayon sa ipinangako ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno.
4. “Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang.
5. Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas.
6. Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon.