21. Pinili niya ang pinakamagandang lupain na nababagay sa mga pinuno.Kapag nagtitipon ang mga tagapamahala ng mga mamamayan ng Israel, sinusunod nila ang mga ipinatutupad ng Panginoon at ang kanyang mga tuntunin para sa Israel.”
22. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Dan,“Ang lahi ni Dan ay katulad sa mga batang leon na tumatalon-talon mula sa Bashan.”
23. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Naftali,“Ang lahi ni Naftali ay sagana sa pagpapala ng Panginoon. Maangkin sana nila ang lupain sa kanluran at sa timog.”
24. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Asher,“Pagpalain sana ng Panginoon ang lahi ni Asher ng higit pa sa lahat ng lahi ng Israel.Sana ay maging masaya sa kanila ang kapwa nila mga Israelita at maging sagana ang kanilang langis.
25. At sanaʼy maprotektahan ng mga tarangkahang bakal at tanso ang mga pintuan ng kanilang lungsod,at sanaʼy manatili ang kanilang kadakilaan habang silaʼy nabubuhay.
26. Walang katulad ang Dios ng Israel.Sa kanyang kadakilaan, sumasakay siya sa ulap para matulungan kayo. Sa kanyang kadakilaan dumarating siya mula sa kalangitan.