Deuteronomio 33:2-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Sinabi niya,“Dumating ang Panginoon galing sa Sinai;nagpakita siya galing sa Bundok ng Seir katulad ng pagsikat ng araw.Sumikat siya sa mga tao galing sa Bundok ng Paran.Dumating siya kasama ang libu-libong mga anghel,at ang kanyang kanang kamay ay may dala-dalang naglalagablab na apoy.

3. Tunay na minamahal ng Panginoon ang kanyang mamamayan.Pinoprotektahan niya ang mga taong kanyang pinili.Kaya siyaʼy sinusunod nila at tinutupad ang kanyang utos.

4. Ibinigay ni Moises sa ating mga lahi ni Jacob ang kautusan bilang mana.

5. Naging hari ang Panginoon ng Israel nang magtipon ang kanilang mga pinuno at ang kanilang mga angkan.”

6. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Reuben,“Sanaʼy hindi mawala ang mga lahi ni Reuben kahit kakaunti lang sila.”

Deuteronomio 33