34. Nalalaman ng Panginoon ang kanilang ginagawa,iniipon niya muna ito at naghihintay ng tamang panahon para parusahan sila.
35. Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila,sapagkat darating ang panahon na madudulas sila.Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”
36. Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan;kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niya na wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.
37. At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga dios, ang batong kanlungan ninyo?
38. Nasaan na ngayon ang inyong mga dios na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog?Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang proteksyon!
39. Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Dios!Wala nang iba pang dios maliban sa akin.Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay;ako ang sumusugat at nagpapagaling,at walang makatatakas sa aking mga kamay.
40. Ngayon, itataas ko ang aking mga kamay at manunumpa,‘Ako na nabubuhay magpakailanman,
41. hahasain ko ang aking espada at gagamitin ko ito sa aking pagpaparusa:Gagantihan ko ang aking mga kaaway at pagbabayarin ang mga napopoot sa akin.
42. Dadanak ang kanilang dugo sa aking pana, at ang aking espada ang papatay sa kanilang mga katawan.Mamamatay sila pati na ang sugatan at mga bilanggo.Mamamatay pati ang kanilang mga pinuno.’ ”
43. Mga bansa, purihin nʼyo ang mga mamamayan ng Panginoon.Sapagkat gaganti ang Panginoon sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod.Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.
44. Ito nga ang inawit ni Moises kasama si Josue sa harapan ng mga Israelita.