Deuteronomio 32:26-39 Ang Salita ng Dios (ASND)

26. Sinabi ko na pangangalatin ko sila hanggang sa hindi na sila maalala sa mundo.

27. Ngunit hindi ko papayagang magyabang ang kanilang mga kaaway. Baka sabihin nila, ‘Natalo natin sila. Hindi ang Panginoon ang gumawa nito.’ ”

28. Ang Israel ay isang bansa na walang alam at pang-unawa.

29. Kung matalino lang sila, mauunawaan sana nila ang kanilang kahihinatnan.

30. Paano ba mahahabol ng isang tao ang 1,000 Israelita?Paano matatalo ng dalawang tao ang 10,000 sa kanila?Mangyayari lamang ito kung ibinigay sila ng Panginoon na kanilang Bato na kanlungan.

31. Sapagkat ang Bato na kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan;at kahit sila ay nakakaalam nito.

32. Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodom at Gomora ang ating mga kaaway,katulad ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga,

33. at katulad ng alak na gawa sa kamandag ng ahas.

34. Nalalaman ng Panginoon ang kanilang ginagawa,iniipon niya muna ito at naghihintay ng tamang panahon para parusahan sila.

35. Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila,sapagkat darating ang panahon na madudulas sila.Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”

36. Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan;kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niya na wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.

37. At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga dios, ang batong kanlungan ninyo?

38. Nasaan na ngayon ang inyong mga dios na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog?Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang proteksyon!

39. Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Dios!Wala nang iba pang dios maliban sa akin.Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay;ako ang sumusugat at nagpapagaling,at walang makatatakas sa aking mga kamay.

Deuteronomio 32