22. Naglalagablab na parang apoy ang aking galit;susunugin nito ang lupa at ang lahat ng naroon,pati ang kailaliman ng lupa, at ang pundasyon ng mga bundok.
23. “Padadalhan ko sila ng mga kalamidad, at tatamaan sila ng aking mga pana.
24. Gugutumin ko sila; at mangamamatay sila sa gutom at karamdaman.Padadalhan ko sila ng mababangis na hayop para atakihin sila at mga ahas para silaʼy tuklawin.
25. Sa labas ng kanilang bahay, marami ang mamamatay sa labanan,at sa loob nitoʼy maghahari ang takot.Mamamatay ang lahat, maging ang mga kabataan, matatanda at mga bata.
26. Sinabi ko na pangangalatin ko sila hanggang sa hindi na sila maalala sa mundo.
27. Ngunit hindi ko papayagang magyabang ang kanilang mga kaaway. Baka sabihin nila, ‘Natalo natin sila. Hindi ang Panginoon ang gumawa nito.’ ”
28. Ang Israel ay isang bansa na walang alam at pang-unawa.