Deuteronomio 32:12-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. Ang Panginoon lang ang gumagabay sa kanyang mga mamamayan,walang tulong mula sa ibang mga dios.

13. Sila ang pinamahala niya sa mga kabundukan,at pinakain ng mga ani ng lupa.Inalagaan niya sila sa pamamagitan ng pulot mula sa batuhan at ng langis ng olibo mula sa mabatong lupa.

14. Binigyan niya sila ng keso at gatas ng mga baka at kambing,at binigyan ng matatabang tupa at kambing mula sa Bashan.Binigyan din niya sila ng pinakamagandang trigo at pinainom ng katas ng ubas.

15. Naging maunlad ang mga Israelita pero nagrebelde sila.Tumaba sila at lumakas,ngunit tinalikuran nila ang Dios na lumikha sa kanila,at sinuway nila ang kanilang Bato na kanlungan na kanilang Tagapagligtas.

16. Pinagselos nila at ginalit ang Panginoon dahil sa kanilang pagsamba sa mga dios na kasuklam-suklam.

17. Naghandog sila sa mga demonyo na hindi tunay na dios – mga dios na hindi nila kilala at kailan lang lumitaw,at hindi iginalang ng kanilang mga ninuno.

18. Kinalimutan nila ang Dios na Bato na kanlungan na lumikha sa kanila.

19. Nakita ito ng Panginoon,at dahil sa kanyang galit, itinakwil niya sila na kanyang mga anak.

Deuteronomio 32