1. O langit, makinig, sapagkat magsasalita ako!O lupa, pakinggan ang aking mga salita.
2. Ang aking mga katuruan ay papatak gaya ng ulan at hamog.Ang aking mga salita ay katulad ng patak ng ulan sa mga damo;katulad rin ng ambon sa mga pananim.
3. Ipahahayag ko ang pangalan ng Panginoon.Purihin natin ang kadakilaan ng ating Dios!
4. Siya ang Bato na kanlungan;matuwid ang lahat ng gawa niyaat mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan.Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala;makatarungan siya at maaasahan.
5. Ngunit nagkasala kayo sa kanya at hindi na kayo itinuring na mga anak niya,dahil sa inyong kasamaan.Makasalanan kayo at madayang henerasyon!
6. Ganito pa ba ang igaganti ninyo sa Panginoon, kayong mga mangmang at kulang sa pang-unawa?Hindi baʼt siya ang inyong ama na lumikha sa inyo at nagtaguyod na kayoʼy maging isang bansa?
7. Alalahanin ninyo ang mga taon na lumipas;isipin ninyo ang mga lumipas na henerasyon.Tanungin ninyo ang inyong mga magulang at mga matatanda, at ihahayag nila ito sa inyo.
8. Nang binigyan ng Kataas-taasang Dios ang mga bansa ng lupain nila at nang pinagbukod-bukod niya ang mga mamamayan,nilagyan niya sila ng hangganan ayon sa dami ng mga anghel ng Dios.
9. Pinili rin ng Panginoon ang lahi ni Jacob bilang mamamayan niya.
10. Nakita niya sila sa disyerto, sa lugar na halos walang tumutubong pananim.Binabantayan niya sila at iniingatan katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mata.
11. Binantayan niya sila gaya ng pagbabantay ng agila sa kanyang mga inakay habang tinuturuan niya itong lumipad.Ibinubuka niya ang kanyang mga pakpak para saluhin at buhatin sila.
12. Ang Panginoon lang ang gumagabay sa kanyang mga mamamayan,walang tulong mula sa ibang mga dios.