Deuteronomio 28:63-68 Ang Salita ng Dios (ASND)

63. Gaya ng kasiyahan ng Panginoon sa pagpapaunlad at pagpaparami sa inyo, ikasisiya rin niya ang pagwasak at pagpatay sa inyo, hanggang sa mawala kayo sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.

64. “Pangangalatin kayo ng Panginoon sa lahat ng bansa sa bawat sulok ng mundo. At dooʼy sasamba kayo sa ibang mga dios na gawa sa kahoy at bato, na hindi ninyo nakikilala o ng inyong mga ninuno.

65. Wala kayong kapayapaan doon at wala rin kayong lugar na mapagpapahingahan. Hindi kayo bibigyan ng Panginoon ng kapanatagan at mawawalan kayo ng pag-asa, at palaging mamumuhay sa kabiguan.

66. Laging manganganib ang inyong buhay; araw at gabi kayoʼy matatakot, at walang katiyakan ang inyong buhay.

67. Dahil sa takot ninyo sa mga bagay na nakikita ninyo sa paligid, sasabihin ninyo kapag umaga, ‘Sana, gabi na.’ At kapag gabi naman, sasabihin ninyong, ‘Sana, umaga na.’

68. Pababalikin kayo ng Panginoon sa Egipto sakay ng barko, kahit na sinabi ko sa inyo na hindi na kayo dapat bumalik doon. Ipagbibili ninyo roon ang inyong mga sarili sa inyong mga kaaway bilang mga alipin, pero walang bibili sa inyo.”

Deuteronomio 28