43. “Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina.
44. Papautangin nila kayo pero hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila.
45. Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Dios at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo.
46. Magiging babala sa inyo at sa inyong mga salinlahi ang mga sumpang ito magpakailanman.