Deuteronomio 28:38-47 Ang Salita ng Dios (ASND)

38. “Marami ang itatanim ninyo pero kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang.

39. Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, pero hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod.

40. Magtatanim kayo ng maraming olibo kahit saan sa inyong lugar, pero wala kayong makukuhang langis mula rito, dahil malalaglag ang mga bunga nito.

41. Magkakaanak kayo pero, mawawala sila sa inyo dahil bibihagin sila.

42. Kakainin ng maraming insekto ang lahat ng inyong puno at pananim.

43. “Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina.

44. Papautangin nila kayo pero hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila.

45. Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Dios at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo.

46. Magiging babala sa inyo at sa inyong mga salinlahi ang mga sumpang ito magpakailanman.

47. Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa Panginoon na inyong Dios sa panahon ng inyong kasaganaan,

Deuteronomio 28