Deuteronomio 28:32-39 Ang Salita ng Dios (ASND)

32. Habang nakatingin kayo, bibihagin ang mga anak ninyo ng mga taga-ibang bansa, at araw-araw kayong aasang babalik sila, pero wala kayong magagawa.

33. Kakainin ng mga taong hindi ninyo nakikilala ang pinaghirapan ninyo, at palagi kayong aapihin at pahihirapan.

34. At kapag nakita ninyo itong lahat, mababaliw kayo.

35. Patutubuan kayo ng Panginoon ng mga bukol na hindi gumagaling mula sa sakong hanggang sa ulo ninyo.

36. “Kayo at ang pinili ninyong hari ay ipapabihag ng Panginoon sa bansang hindi ninyo kilala maging ng inyong mga ninuno. Doon, sasamba kayo sa ibang mga dios na gawa sa kahoy at bato.

37. Kasusuklaman kayo, hahamakin, at kukutyain ng mga naninirahan sa mga bansa kung saan kayo binihag.

38. “Marami ang itatanim ninyo pero kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang.

39. Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, pero hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod.

Deuteronomio 28