1. “Kung lubos ninyong susundin ang Panginoon na inyong Dios at gagawin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, gagawin niya kayong nakakahigit sa lahat ng bansa rito sa mundo.
2. Kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, mapapasainyo ang lahat ng pagpapalang ito:
3. “Pagpapalain niya ang mga lungsod at mga bukid ninyo.
4. Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani at maraming hayop.
5. Pagpapalain niya kayo ng masaganang ani at pagkain.
6. Pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo.
7. Ipapatalo ng Panginoon sa inyo ang mga kaaway na sasalakay sa inyo. Sama-sama silang sasalakay sa inyo pero magkakanya-kanya sila sa pagtakas.
8. Pagpapalain ng Panginoon na inyong Dios ang lahat ng ginagawa ninyo at pupunuin niya ng ani ang mga bodega ninyo. Pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinibigay niya sa inyo.