Deuteronomio 25:11-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. “Kung may dalawang lalaking nag-aaway at lumapit ang asawa ng isa para tumulong sa kanyang asawa sa pamamagitan ng pagdakot sa ari ng kalaban,

12. kailangang putulin ang kamay ng babae nang walang awa.

13-14. “Huwag kayong mandaraya sa inyong pagtimbang at pagtakal.

15. Gumamit kayo ng tamang timbangan at takalan, para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios.

16. Sapagkat kasuklam-suklam sa Panginoon na inyong Dios ang taong mandaraya.

17. “Alalahanin ninyo ang ginawa ng mga Amalekita sa inyo nang lumabas kayo sa Egipto.

18. Sinalakay nila kayo noong pagod na pagod na kayo, at pinagpapatay nila ang inyong mga kasama na nasa hulihan. Wala silang takot sa Panginoon.

19. Kaya patayin ninyo ang lahat ng mga Amalekita kapag binigyan na kayo ng Panginoon na inyong Dios ng kapayapaan doon sa lupaing ibinibigay niya sa inyo na inyong aangkinin. Huwag ninyo itong kalilimutan.

Deuteronomio 25