Deuteronomio 23:21-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. “Kung gagawa kayo ng panata sa Panginoon na inyong Dios, huwag ninyong patatagalin ang pagtupad nito, dahil siguradong sisingilin kayo ng Panginoon na inyong Dios, at magkakasala kayo sa hindi pagtupad nito.

22. Hindi ito kasalanan kung hindi kayo gumawa ng panata sa Panginoon.

23. Pero anumang ipanata ninyo sa Panginoon na inyong Dios ay dapat ninyong tuparin.

24. “Kung pupunta kayo sa ubasan ng inyong kapwa, maaari kayong kumain hanggang gusto ninyo, pero huwag kayong kukuha at maglalagay sa inyong lalagyan para dalhin.

25. Kung mapapadaan kayo sa taniman ng trigo ng inyong kapwa, maaari kayong makaputol ng mga uhay, pero huwag ninyo itong gagamitan ng karit na panggapas.

Deuteronomio 23