Deuteronomio 16:20-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Dapat mangibabaw ang tamang hustisya para mabuhay kayo at makapanirahan sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios.

21. “Huwag kayong magpapatayo ng poste na simbolo ng diyosang si Ashera sa tabi ng altar na ginawa ninyo para sa Panginoon na inyong Dios,

22. at huwag kayong magpapatayo ng mga alaalang bato para sambahin, dahil kinasusuklaman ito ng Panginoon na inyong Dios.

Deuteronomio 16