1. “Mga anak kayo ng Panginoon na inyong Dios. Kaya kung magluluksa kayo sa patay, huwag ninyong susugatan ang mga sarili ninyo o aahitan ang mga ulo ninyo.
2. Sapagkat mga mamamayan nga kayo ng Panginoon na inyong Dios. Sa lahat ng tao sa mundo, kayo ang kanyang pinili na maging espesyal niyang mga mamamayan.
3. “Huwag kayong kakain ng anumang hayop na itinuturing na marumi.
4. Ito ang mga hayop na pwede ninyong kainin: baka, tupa, kambing,
5. usa, mailap na kambing, mailap na tupa at iba pang klase ng usa.
12-18. Pero huwag ninyong kakainin ang mga ibon katulad ng agila, uwak, ibon na kumakain ng bangkay ng tao o hayop, lawin, kuwago, ibong naninila, ibong dumadagit ng isda, tagak, at paniki.