1. “Mga anak kayo ng Panginoon na inyong Dios. Kaya kung magluluksa kayo sa patay, huwag ninyong susugatan ang mga sarili ninyo o aahitan ang mga ulo ninyo.
2. Sapagkat mga mamamayan nga kayo ng Panginoon na inyong Dios. Sa lahat ng tao sa mundo, kayo ang kanyang pinili na maging espesyal niyang mga mamamayan.
3. “Huwag kayong kakain ng anumang hayop na itinuturing na marumi.
4. Ito ang mga hayop na pwede ninyong kainin: baka, tupa, kambing,
5. usa, mailap na kambing, mailap na tupa at iba pang klase ng usa.
6. Pwede ninyong kainin ang anumang hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng kanilang kinain.
7. Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga hayop na nginunguyang muli ang kinain nito pero hindi biyak ang kuko, gaya ng kamelyo, kuneho at daga sa batuhan. Ituring ninyong marumi ang mga hayop na ito.
8. Huwag din ninyong kakainin ang baboy, dahil kahit biyak ang kuko nito, hindi naman nginunguya ang kinakain nito. Huwag ninyong kakainin ang mga hayop na ito o hahawakan ang kanilang patay na katawan.
9. “Pwede ninyong kainin ang anumang hayop na nabubuhay sa tubig na may mga palikpik at mga kaliskis.
10. Pero huwag ninyong kainin ang walang palikpik at kaliskis. Ituring ninyo itong marumi.