6. “Halimbawang ang iyong kapatid o anak, o ang iyong minamahal na asawa o ang pinakamatalik mong kaibigan ay lihim kang hinikayat at sabihing, ‘Halika, sumamba tayo sa ibang mga dios’ (mga dios na hindi pa natin nakikilala maging ng ating mga ninuno.
7. Kapag hinikayat ka niyang sambahin ang mga dios na sinasamba ng mga tao sa paligid ninyo o ng mga tao sa malalayong lugar),
8. huwag kang magpapadala o makikinig sa kanya. Huwag mo siyang kaaawaan o kakampihan.
9. Dapat mo siyang patayin. Ikaw ang unang babato at susunod ang lahat ng tao, para patayin siya.
10. Babatuhin siya hanggang sa mamatay dahil tinangka niyang ilayo kayo sa Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin.
11. Pagkatapos itong marinig ng mga Israelita, natakot sila, at hindi na sila gumawa ng masasamang gawa.
12. “Kung makabalita kayo na ang isa sa mga bayang ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios na inyong titirhan,
13. ay may masasamang taong nag-uudyok sa mga naninirahan sa bayang iyon na sumamba sila sa ibang mga dios na hindi pa nila nakikilala,