1. Ang aklat na ito ay tungkol sa mga mensahe na sinabi ni Moises sa lahat ng Israelita noong naroon pa sila sa ilang, sa silangan ng Ilog ng Jordan. Nagkakampo sila sa Kapatagan ng Jordan malapit sa Suf, sa gitna ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Dizahab.
2. (Mga 11 araw na paglalakbay mula sa Bundok ng Sinai papunta sa Kadesh Barnea kung dadaan sa Bundok ng Seir.)
3. Nang unang araw ng ika-11 buwan, sa ika-40 taon, mula nang umalis ang mga Israelita sa Egipto, sinabi sa kanila ni Moises ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin sa kanila.