Colosas 1:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Dios, kasama si Timoteo na kapatid natin.

2. Mahal kong mga taga-Colosas, pinabanal at matatapat na kapatid na nakay Cristo:Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama.

3. Lagi kaming nagpapasalamat sa Dios na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa tuwing nananalangin kami para sa inyo.

4. Sapagkat nabalitaan namin ang pananampalataya nʼyo bilang mga nakay Cristo Jesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga pinabanal ng Dios,

Colosas 1