10. Dalhin mo ang mga Levita sa aking presensya at ipapatong ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa mga ulo nito.
11. Si Aaron ang magtatalaga sa kanila sa aking presensya bilang espesyal na handog mula sa mga Israelita, para makapaglingkod sila sa akin.
12. “Pagkatapos, ipapatong ng mga Levita ang mga kamay nila sa ulo ng dalawang toro na handog para sa akin. Ang isa ay bilang handog sa paglilinis at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog, para mapatawad sila sa kanilang mga kasalanan.
13. At patatayuin sila sa harapan ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki, at itatalaga sila bilang espesyal na handog sa akin.
14. Sa pamamagitan nito, ibubukod mo ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at magiging akin sila.
15. “Pagkatapos na malinisan mo ang mga Levita at maitalaga sila sa akin bilang espesyal na handog, makapaglilingkod na sila sa Toldang Tipanan.
16. Sila ang mga Israelita na ibinukod para lang sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita.
17. Dahil ang bawat panganay sa Israel ay akin, tao man o hayop. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay ng mga Egipcio, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel.
18. At kinuha ko ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng Israel.