Bilang 34:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2. “Sabihin mo sa mga Israelita na kung papasok na sila sa Canaan, ito ang mga hangganan ng lupain na kanilang mamanahin:

3. “Ang hangganan sa timog ay ang ilang ng Zin sa may hangganan ng Edom. Magsisimula ito sa katimugang bahagi ng Dagat na Patay.

4. At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kadesh Barnea. Pagkatapos, didiretso ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon,

5. at liliko papunta sa Lambak ng Egipto at magtatapos sa Dagat ng Mediteraneo.

6. “Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo.

7. “Ang hangganan sa hilaga ay magmumula sa Dagat ng Mediteraneo papunta sa Bundok ng Hor,

8. at mula sa Bundok ng Hor papunta sa Lebo Hamat. Magpapatuloy ito sa Zedad,

14-15. Dahil ang lahi nina Reuben, Gad, at ng kalahating lahi ni Manase ay nakatanggap na ng kanilang mana sa bandang silangan ng Jordan malapit sa Jerico.”

Bilang 34